Wednesday, June 26, 2013

Mt. Atimla Headstreams




 

AHON now brings you a leisurely quest of Mt. Atimbla headstreams.

From its northern foot, we will stroll southward towards “kapihan” area passing along uncharted waterfalls that everyone would definitely adore.  Beautiful Galyanan, Katmon, Mahangin and Isang falls are all worth considering. 



The stroll feels like wandering in a far-off secluded rainforest yet it’s only about a stone-throw away from civilization.


AHON will be unveiling its splendor for the people to realize its fortune.

“Everywhere Paradise”, that’s Nagcarlan to AHON.

Only around 3 hours hike from jump off, this is something you should not miss




So, come hike with us. Huwag maging dayuhan sa sarili nating bayan.






Karagdagan:

Talon Katmon


May taas na humigit kumulang 22 talampakan, may malinis na tubig nanggagaling sa bukal na kung tawagin ay “tinaan”. Binansagang “talon Katmon” ang lugar halaw sa salitang katmon na isang bungang kahoy na karamihang matatagpuan sa lugar noong nakalipas na panahon. Sa kasalukuyan, walang makikitang labi ng mga puno ng katmon subalit ang dalisay na tubig at kariktan ng talon ay nananatiling buhay. Sa may gawing kanang paanan ng talon ay makikita naman ang isang bukal o pansol na nagtataglay ng malinis na tubig pang-inom ng mga naninirahan sa karatig lugar.


Talon Galyanan

Kasing dalisay ng karatig na pansol ng talong Katmon ay isa pang talon na kung tawagin ay “Galyanan”. Pinaniniwalaang ang malinis na tubig pansol malapit sa talong Katmon ay mula din sa bukal na pinanggagalingan ng tubig patungong Talon Galyanan.  Malamig at manamis-namis na tubig mula sa Galyanan, hinugot naman ang pangalan mula sa isang uri ng saging na pamoso sa lugar.  Ang ulunang bahagi ng talong Galyanan ang pook pandawan ng mga suso upang gawing masarap na pang-ulam ng mga taong nakatira sa nayon. Sa hindi kalayuang lugar naman kumukuha ng halamang-gulay na kung tawagin ay “pako”.  “Ginataang suso sa pako” ang tanyag na tawag sa putahe na hanggang sa kasalukuyan ay kagawian pang lutuin ng mga taga nayon.

Talon Mahangin


Sa nagmamalaking taas nito na humigit-kumulang  limapu’t limang talampakan, mas mataas na hindi hamak ang talong Mahangin sa tanyag na talong Bunga. At kung papansinin ang mga naglalakihang bato sa dingding ng talon at mga pulang grabang nakasabog sa paligid nito, maihahalintulad ang hitsura ng lugar sa angking katangian ng Vulcan de Agua. Sa paniniwala ng marami ang mga bundok na nakapaligid sa ating bayan ay mga inanak na kabundukan ng Bundok Banahaw.  

Ang bawat bisita po ay inaanyayahan subukang lumapit sa tabing paanan ng mga patak ng tubig.  Ang malamig at malakas na dampi ng hangin ang naging dahilan kung bakit ang talon ay tinawag na “Mahangin”.

Mula sa mga nagsanib-sanib na talaga dumaloy ang tubig at lumikha ng isang batis patungo sa talon. Sa kasalukuyan, ang tubig mula sa itaas na bahagi ng talon Mahangin ang ginawang patubig ng nayon ng Lawaguin.   

Bundok Lawaguin


Ang huling larawan ay ang silangan pisngi ng taluktok na bahagi ng Mt. Atimla.  Dahil sa dami at haba ng mga taluktok ng bundok, nagkaroon ito ng ibat-ibang katawagan bawat lugar. Ang bansag na “bundok Tangab” “bundok Balakasa” at “bundok Lawaguin” ay tumutukoy sa iisang bundok lamang, --ang “Bundok Atimla”.  

At dahil tayo ay nasa nayon ng Lawaguin, ang bundok pong inyong natatanaw ay tinagurian naming “Bundok Lawaguin”. Sa lugar pong iyan matatagpuan ang isang kweba na pinagtaguan ng mga dayuhang sundalong Hapones bago ganap na matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig.

3 comments:

Unknown said...

mukhang kailangan kong dalhin ung camera ko ah! hahaha

-niko

MonteAlto said...

gawin na ang bed & breakfast dyan!

MonteAlto said...

gawin na ang bed & breakfast dyan!